"ARSEAN, tulungan mo ang anak mong mag-enroll sa school next week," utos ng ina ni Vash habang inaayos ang ulam sa kanyang plato.Nasa hapag-kainan silang apat—ang kanyang ama, si Gaeun, ang ina niya, at siya. Wala na naman si Megan, at gaya ng palaging nangyayari, walang kahit anong balita kung nasaan na naman ang babaeng iyon. Pero sa totoo lang, wala na siyang gana pang alamin. Para saan pa? Mas mapayapa nga ang isip ni Vash kapag wala ang nobya niya."I'll look for time. I'm probably busy next week, but for him... I'll make some time," sagot niya sabay ngiti, saka hinaplos ang ulo ng anak."Thanks, dad," wika ni Gaeun, bahagyang ngumiti bago ipinagpatuloy ang pagkain."I'm glad that you can make an effort for your son. Anyway, Gaeun, nasaan ang mommy mo?" tanong ng ina ni Vash habang kunot-noong sumubo ng kanin."I don't know po," simpleng sagot ni Gaeun, 'di na tumingin sa lola.Muling bumaling ang ina ni Vash sa kanya. "Hindi mo man lang tinanong kung nasaan ang fiancé mo?""Why
Terakhir Diperbarui : 2025-06-16 Baca selengkapnya