NAGISING si Khalil ng mayroong yumuyugyog sa kaniya. Sigurado siya na si Scarlett iyon kung kaya bumaling siya papunta sa kabila at pinatigil ito sa pag yugyog sa kaniya.“Scarlett stop it, masakit ang ulo ko.”Pagkasabi niya niyon nagtakip pa siya ng unan sa kaniyang ulo dahil sa liwanag. Mukang binuhay pa nito ang ilaw. Sinarado niya kasi ang kurtina ng kwarto kung kaya totally blackout sa loob.“Talagang sasakit ang ulo mo kapag hindi ka bumangon jan,”Natigilan si Khalil ng marinig ang boses ng ina. Doon bumalik sa kaniya ang information na uuwi na nga pala ang mga ito kaya siguradong ang mommy nga niya ang narinig!Dali dali siyang bumangon at nakita niya ang mommy na naka cross arms habang nakatingin sa kaniya’t habang nakataas ang kaniyang kilay.“M-mommy!” gulat na tawag niya dito at ngumiti ng alanganin. “Uhm welcome back?”NAROON sila ngayon sa kusina at kumakain. Sinundo si Khalil ng kaniyang ina sa kwarto para makakain na ito, akala niya papagalitan siya nito at sinabi ng
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya