UMILING si Tim sa sinabing iyon ni Grace at ngumiti ng bahagya dito.“Naiintindihan ko po tita,. Kahit ako naman po na makakita ng stranger sa tapat ng bahay namin at sugatan ganoon din ang maiisip.”“Hijo pasensya na. Sadyang nadala lang kami dahil noon mayroon din kaming tinulungan pero binaliktad kami. Kami pa ang nasisi sa nangyari sa kaniya,”Nang dahil sa sinabing iyon ni Edmond na gets na nito kung bakit ganon nalang ito mag tanong sa kaniya. Siguro kung siya din ang nasa katayuan ng mga ito baka nga hindi na siyang tumulong pang muli.“It’s okay tito and don’t worry hindi kami masamang tao. I’m willing to pay you back, well siguradong hindi rin papayag si mommy na hindi kami makabawi pabalik sa inyo.”“Hindi namin gusto ng pera,”Biglang nagsalita si Gracie na siyang ikinatingin ng mga ito sa kaniya.“Kahit kailan hindi kami humingi kahit kanino ng pera kaya tigilan mo kung ano man ang naiisip mo.” Madiin na sabi nito at tumingin sa kaniyang mga magulang. “Banyo lang po ako,”
Last Updated : 2025-11-18 Read more