ILANG oras ang lumias, tuluyan ng bumaba ang lagnat ni Lira. Dahil na ‘rin sa gamot na na take nito sa ospital mabilis na gumaling si Lira. Nagising na ‘rin ito at pinakain siya ng kuya Francis niya.“Sigurado ka ba na magaling ka na Lira?”Alalang tanong ni Eya dito ng magsabi si Lira sa kanila na sasabay na siya pauwi.Nalaman niya kasi na nasa ospital ang ina maging si Silvia.“Tita, ayos lang po ako promise. Gusto ko ng makita si mama ko,”Napabuntong hininga si Eya sa narinig. Gusto niyang sabihin na mag alala ka ‘rin sa tunay mong ina, ngunit hindi pa ‘rin nito alam ang katotohanan. Ayaw naman ni Eya na sa kaniya mismo manggaling ang katotohanan na iyon.“Okay sige, maya maya aalis tayo. Asikasuhin ko lang ‘yung bills natin dito.”Pagkasabi ni Eya niyon ay lumabas na ito ng silid ni Lira upang bumaba at magbayad sa bills nito.Nang maiwan sila sa loob lumapit si Tim kay Lira upang humingi ng tawad dito. Dahil nga gusto niyang baguhin ang nagawa niyang mali uumpisahan niya ito s
Huling Na-update : 2025-10-31 Magbasa pa