Nagtiim bagang si Silvestre habang tinitingnan ang kaniyang Abuelo at si Aeverie. Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang mapagmataas, matagumpay, at mayaman na si Lucio ay parang aping nagmamakaawa sa isang babae para lamang manatili bilang asawa ng apo nito. Ang pagmamakaawa ba nito'y para sa kaniya? O para sa sarili, dahil ayaw na nitong magtiwala sa iba at nasanay na kay Avi? "I could talk to your father, hija." Malungkot na saad ni Lucio. "I'll accept the consequences of what I did. I will admit that I orchestrated all of this." Lumamlam ang mga mata ni Aeverie habang tinitingnan ang mukha ni Lucio. Kung kagaya lamang siya ng dati, baka agad na niyang napagbigyan ang matanda dahil mahirap para sa kaniya na tanggihan ito lalo na kapag ganito na kaawa-awa ang reaksyon ng mukha nito. Pero kahit paano, inihanda na niya ang kaniyang isip at puso sa posibilidad na magmakaawa ang Abuelo sa kaniya para kay Silvestre. Dahil hindi lamang alam ni Silver, pero mahal na mahal ito ng
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya