Huminga ng malalim si Anniza, naalala niya pa rin kahit paano ang nangyari sa club. Kahit na lasing siya ay naaalala niya pa rin ang mga sinabi ni Aeverie sa kaniya. “Sometimes, I wish I could turn back time. I wish I could change my past." Mahinang saad nito, at kagaya niya, halatang lasing na rin ang babae. Dalawang bote ng vodka ang kanilang naubos. Mababa lang din ang kaniyang alcohol tolerance kaya kahit na kaunti pa lang ang naiinom nila ay ramdam na niyang umeepekto na ang alak sa buo niyang sistema. Ngumiti siya at saka umiling. "And what made you hate your life now, Aeve? Maswerte ka nga e." Aniya, hindi na napigilan ang mga lumalabas sa kaniyang bibig. "You're so lucky with everything. In terms of physical appearance, you're already perfect. I even envy you because you're like a living doll. Ang ganda-ganda mo. In terms of mentality, you're so smart, you're innovative and you're a critical thinker. Idagdag pa na mayaman ka. You're a successful doctor. You enjoyed your p
Terakhir Diperbarui : 2025-09-16 Baca selengkapnya