Nang tuluyang mawala si Bernard ay bumalik siya sa presidential suite. Nakatayo si CK at may kausap sa telepono. “F*ck, I don’t care.” CK fired. “Call the manager, he'll handle it. I'm busy, I cannot just leave.” Pinulot niya ang coat na nakalagay sa mahabang sofa. Napansin iyon ni CK kaya kinunutan siya nito ng noo. “Are we leaving?” Ibinaba nito ang tawag. “There's a trouble in the restobar, are we going to leave now?” Kanina lamang ay mukha na itong lasing, pero ngayon ay maayos na ang postura ng kaibigan. Baka siya lamang talaga ang nalalasing sa kanilang dalawa? Umiling siya. “Not yet, I have to greet Arsen first. Then, we will leave.” Natawa ng marahan si CK. “F*ck, you’re still smitten.” Alam niyang nang-aasar lang si CK, pero naaasar siya sa sinabi nito. Hindi na siya kagaya noon, hindi na siya baliw na baliw kay Arsen. Ang totoo, babati lamang siya at agad nang aalis. Hindi na siya mag-aaksaya ng panahon sa pagtitipong ito. Sabay silang lumabas ng presidentia
آخر تحديث : 2025-11-30 اقرأ المزيد