Ngunit sa isip ni Aeverie, iyon lang ang paraan upang pagkatiwalaan siyang muli ni David Cuesta. Kung lalayuan na niya ng tuluyan ang mga Galwynn— lalo na si Lucio at Silvestre— ay mapapanatag na kahit paano ang kalooban ng kaniyang ama. Naging mabuting tao sa kaniya si Lucio, hindi niya iyon makakalimutan, ngunit sa pagkakataong ito’y kailangan niya munang unahin ang mga dapat niyang gawin. “Please take care of Abuelo.” Mahina niyang sabi, halos bulong na lamang sa hangin. Samantala, sa police station ay tulalang nakatitig sa kawalan si Arsen. Hapon na, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin pumapasok sa interrogation room para tanungin siya. Alam naman niyang tatanungin siya ng mga pulis, ngunit dahil hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ay nakatulala pa rin siya at walang ibang ginagawa. Ang tanging nararamdam niya lang ay panghihina at takot. Nang dalhin siya ng mga pulis, wala man lang pumigil na gawin iyon. Maging ang kaniyang mga magulang ay natulos na lamang sa isan
آخر تحديث : 2025-12-04 اقرأ المزيد