Andrea Pagdating namin sa resort maraming tao. “Baby balik ba lang tayo bukas,” bulong ni Atlas ng pagdating namin doon iilan na lang ang bakanteng cottage. Maliit ang cottage na nakuha namin. Dalawa lang naman kami ni Atlas kere lang. Isa pa wala naman kaming gamit. Bihisan lang ang dala ay isang bath towel nakasampay sa balikat ni Atlas. “Masaya nga pwede na ito iba naman ang para bukas,” sagot ko. Nahilot ni Atlas ang batok niya stress agad sa sagot ko? Humagikhik ako. “Joke lang paniwalain naman. Tara na ligo na tayo,” wika ko sabay hila sa kamay ni Atlas. Wala siyang nagawa tahimik na sumunod. “Dito ka lang ba?” “Misis bantayan ko na lang gamit natin,” Hindi nga naligo binantayan lang ako kasi may bitbit siyang bag walang maghawak. Tingin ko naman hindi siya naiinip kasi nakatutok ang mata sa phone n'ya hinayaan ko na. Nakailang balik ako ng langoy tinawag ko siya. “Hubby iwanan mo na lang iyan diyan,” nginuso ko sa gilid ng pool. Biniro ko pa sabuyan ng tubig tumawa
최신 업데이트 : 2025-06-13 더 보기