Andrea “Magbibihis lang ako,” paalam ko kay Atlas pagdating namin sa condo unit. Inalis din naman niya ang pagkakaakbay sa ‘kin ng magpaalam ako sa kaniya. “Aantayin na kita rito baby, tatawag lang ako sa sekretarya ko habang wala ka,” wika nito. “Okay. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya at iniwan na rin siya. Bago ako magpalit ng damit tinawagan ko muna si Erica kung nasa restaurant pa sila ni Kier. Gusto ko rin humingi ng pasensya sa pagsapak ni Atlas kay Kier. “Hello Andeng?” “Nasa restaurant pa ba kayo?” “Oo, maya-maya rin lalabas na kami kasi patungo ako sa bahay n'yo sisilip ako kay Alvina, bago umuwi sa boarding house ko. May service kaya samantalahin ko na,” aniya parang pabiro. “Oo nga pala. Siya ingat kayo pasensya na umalis agad ako kasi itong asawa ko na badtrip. Pakisabihan na rin si Kier pasensya dahil nasapak siya ni Atlas.” “Naiintindihan namin. Tinatawanan lang naman siya ni Kier sa pagseselos hindi naman seneryoso ni Kier ang galit ni Atlas sa ka
Last Updated : 2025-05-12 Read more