Weekends na kaya nagprepara na si Raine para sa lulutuin niya. Nagpatulong na rin siya kay Manang Lena para mamalengke. Maaga silang gumayak kaya alas siyete pa lang ng umaga ay nakauwi na sila sa villa."Pwede po bang ikaw na muna ang mag-aasikaso ng mga ito, Manang Lena? Palagay po muna sa ref. Pupuntahan ka po saglit ang mamako sa ospital," paalam pa ni Raine."Sige po, Señorita. Wala pong problema," magalang na sagot ni Manang Lena. Kinuha pa nito ang basket na nasa kamay niya. "Ako na po ang bahala rito."Ngumiti si Raine. "Kayo na rin po ang bahalang magsabi kay Mr. Almonte kung saan ako pupunta."Natigilan si Manang Lena. "Mr. Almonte?"Tumango si Raine. "Opo.""Di ba Crassus ang tawag mo sa kanya?"Ngumiti ng makahulugan si Raine. "Pakisabi na lang po, Manang.""S-sige," ani ni Manang na parang naguguluhan.Umalis kaagad siya sa kusina. Pumanhik siya sa ikalawang palapag para magbihis. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang magandang likod ni Crassus. Nakadipa ka
Last Updated : 2025-07-05 Read more