Naniningkit ang mata ni Raine habang kumakain ng hapunan. Hinawakan niya ng mariin ang kutsara't tinidor. Saka niya ng tinitigan ng matalim si Crassus.Kanina pa sila kumakain pero hindi niya makuha na maging masaya kahit nakakatakam ang luto ng kanyang Ina. Kakauwi pa lang nito at dapat ay tuwang-tuwa siya. Pero ito siya, bugnot na bugnot na tila ba may kaaway.Nabubuwesit siya sa asal ni Crassus. Simula ng bumalik ang Mama niya ay panay na ang papansin nito."Oh, kumain ka ng marami," ani pa ni Mama Roberta. "Ito pa. Maraming pagkain, kumain ka ng mabuti.""Thank you po, Tita," magalang na saad ni Crassus sabay subo ng pagkain."Ano'ng Tita, Mama kamo." Umiling si Mama Roberta. Inilapit niya kay Crassus ang eskabetse. Pasensiya ka na at iyan lang ang nakayanan namin. Talaga bang kumakain ka ng ganyang pagkain?""Yes, po," saad ni Crassus sabay subo at dahan-dahan na ngumuya. "Manang does cook like this but not that often."Tumango si Roberta. "Siya."Binalingan niya si Raine. Nagtak
Last Updated : 2025-12-13 Read more