"Pero mas marami talaga akong kaaway. Kadalasan, mga crush ang puno't-dulo ng away."Tumikyas ang kilay ni Crassus dahil sa narinig. Napabalikwas siya ng bangon. Hindi maipinta ang kanyang mukha na binalingan niya si Raine."You seem proud," Crassus said sarcastically. "Flings and crushes, huh?"Kumunot ang noo ni Raine. Lumingon siya kay Crassus at takang tinitigan ito."Problema mo? Totoo naman iyong sinasabi ko," giit pa ni Raine. "Alangan naman na mag-imbento ako?""Tch! So my wife had plenty flings and crushes since her teenage days," Crassus said, his tone is dripping with sarcasm. Nice!"Mas lalong kumunot ang noo ni Raine. "Ano naman sasabihin ko? Iyon naman talaga ang madalas na dahilan kung bakit marami akong kaaway. Kung hindi sa academics, pagtripan naman nila ako kasi raw pangît ako. Hindi ko nga alam kung bakit marami ang nagkakagusto sa akin na lalaki ano. At saka, hindi ko naman kasalanan kung marami ang mag-kacrush sa akin. Naiirita sila sa mukha ko
Last Updated : 2025-12-21 Read more