Bago pumunta sila Raine sa bahay ni Lola Pansing, nagplano na sila ni Diana kung ano ang gagawin. Magpanggap sina Diana at Thaddeus na magkasintahan. Na sagot ni Thaddeus ang outing nila para hindi mahalata ni Tiya Manuela ang pagiging rich wife ni Raine.Tumikyas ang kilay ni Tiya Manuela. "At sino ka naman, huh?"Pekeng ngumiti si Diana. "Kaibigan po kami ni Raine, Tita," sabi niya. "Huwag ka pong mag-alala, Tita. Ay este, Ma'am."Saglit na ngumiwi si Diana. "Hindi naman namin pababayaan si Lola Pansing.""Sige na po, La. Saglit lang naman po tayo," muling pangungumbinsi ni Raine."Oh siya." Nagkatinginan sina Mama Roberta at Lola Pansing. "Sasama na kami.""Bakit kayo-kayo lang? Hindi ba kami imbitado, huh Raine?" Inis na tanong ni Tiya Manuela.Blangko ang mukha ni Raine. Tinapunan niya ng makahulugang tingin ang kanyang Mama.Nakuha naman ni Mama Roberta ang nais iparating ni Raine. Ginagap niya ang kamay ni Lola Pansing. "Pwede naman kayo sumama, Ate," malamig na wika ni Mama R
Huling Na-update : 2025-11-22 Magbasa pa