DissonaceParang bagyong tahimik at sa labas, payapa ang langit,pero sa loob, may unos na hindi magkasundo ang puso’t isip.Isang himig na pilit inaawit ng damdamin,ngunit kinokontra ng tunog ng lohika.👨⚕️HIDEO ADONISPinagmamasdan ko si Athena habang seryoso niyang pinipino sa food processor ang mga walnuts. Wala siyang imik, nakatuon lang sa gawain na parang isang siyentistang nag-eeksperimento sa gitna ng tahimik na kusina.Nang maging halos pulbura na ang mga ito, napangiti ako nang ibuhos niya ito sa all-purpose flour, haluan ng chocolate chips, at dahan-dahang minasa gamit ang kamay. Makinis ang kilos niya, parang alam na alam ang ginagawa hindi lang basta pagluluto ito, may layunin.Ako ang nag-request. Alam kong mahilig siyang mag-bake, kaya sa kanya ko na lang ipinagawa ang cookies na matagal ko nang gustong matikman. Pero sa totoo lang, higit pa doon ang dahilan.“Tingnan ko lang kung hindi siya matuluyan kapag kinain ito,” mahinang sambit ni Athena, kasunod ang isang m
Last Updated : 2025-05-05 Read more