Heto nga siya, gulong-gulo ang isip sa dami ng problema niya. Tapos, nakuha pa siyang tanungin nito na para bang nagpapa-contest ng tamang sagot sa tanong niya. Bigla naman niyang naisip ang naging simula ng relasyon nila ni Anthony. “Blind date.”Malapad na napangiti ang matandang babae sa sagot ni Analyn. “Yes! Tama!” Bahagyang nagulat si Analyn na tumama ang sagot niya kahit na hindi naman niya iyon pinag-isipan talaga. Bigla lang pumasok sa isip niya ang senaryo nung nakipag blind date siya at si Anthony sa iba kaya sila nagtagpo.“Usong-uso ang blind date noon. Nung kapanahunan namin,” tila excited na kuwento ng matandang babae, “pero ngayon parang hindi na.”Gusto sanang kontrahin ni Analyn ang sinabi nito, pero minabuti niyang hindi na lang. “Looking back, wala kaming feelings sa isa’t isa nung umpisa. Puro away kami. Galit, bati, galit, bati. Ganun. Dati iniisip namin, nakakasawa.”“Pero ngayon, kapag binabalikan namin? Natatawa na lang kami,” singit ng matandang lalaki.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-11 Baca selengkapnya