Habang kung anu-anong bagay ang iniisip niya, hindi pa rin niya nakalimutang sagutin ang message ni Megan.“Kakauwi ko lang. Nag-overtime ako today. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga. Bakit?”Pagkakasend niya, tumawag agad si Megan. Pagkakonekta ng tawag, galit na agad ang bungad nito. “Hay naku, ang boss mo talaga, grabe! Pinag-overtime ka pa?! Alam mo, dapat sa akin ka na lang magtrabaho. Ten to five lang ang pasok, apat na araw sa isang linggo, tatlong araw pahinga, tapos pinakamataas pa ang sahod. Kung tutuusin, hanga talaga ako sa galing mo sa trabaho.”Hindi malaman ni Eloisa kung matatawa ba siya o maiiyak. Napa-iling siya at sinagot ng banayad. "Megan, si Josh Cabiles ang boss ko.”Biglang bumaba ang energy sa kabilang linya, pero pilit pa rin nitong sinabi, “So what kung si Josh at isang Cabiles? Inagawan ko lang naman siya ng babae, ganun lang ‘yun."“Ah oo nga pala,” biglang napalakas ang batok ni Megan sa sarili. "Naalala ko na kung bakit talaga ako tumawag. Tungkol kay Jo
Huling Na-update : 2025-06-27 Magbasa pa