Nasa kalagitnaan ng gabi nang biglang maalimpungatan si Marga dahil sa matinding pananakit ng kaniyang tiyan. Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang lahat ng laman sa loob niya, habang ang malamig na pawis ay bumalot sa kaniyang noo."Brandon," mahina niyang tawag, bahagyang nauupos ang boses sa kirot.Agad na nagising si Brandon na katabi niya sa kama. Nang makita ang pagkaputla ng mukha ni Marga at ang nanginginig nitong katawan, agad siyang tumayo."Marga? What’s wrong? Tell me where it hurts," tanong niya, puno ng kaba ang tinig habang inaangat si Marga mula sa pagkakahiga."H-He’s coming. I think this is it, Brandon," sabi ni Marga, habol ang hininga. "The contractions... it hurts. I can't—" napakapit siya sa braso ni Brandon habang unti-unting lumalalim ang bawat pag-ungol niya sa sakit.“Damn, okay—okay, breathe. Just breathe, baby. I’ll get the car,” mabilis na sambit ni Brandon, habang hinahanap ang cellphone at susi ng sasakyan.Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatawa
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya