After Divorced: Chasing His Ex-Wife

After Divorced: Chasing His Ex-Wife

last updateLast Updated : 2025-07-06
By:  Jessa WritesOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
44 ratings. 44 reviews
164Chapters
21.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Congratulations, Miss Santillan. You are six weeks pregnant.” Nanigas si Marga sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang sa doktor. Bumaba ang paningin niya sa prenatal examination report. Napapikit siya at napahawak sa kaniyang tiyan. “B-Buntis ako…” mahinang sabi niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Mas nangibabaw pa rin ang takot sa kaniya na baka malaman ni Brandon ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. *** “Kinakabahan ka ba?” Binuhay ni Brandon ang makina ng sasakyan. “Kung palagi kang ganito sa tuwing kausap mo ako, iisipin ko talaga na buntis ka, Marga.” Napalunok ng maraming beses si Marga. Mas lalo lang siyang kinakabahan. Pinagpapawisan na rin siya kahit na malakas naman ang aircon. “Kung totoong buntis ako, ano ang gagawin mo?” Napakagat-labi siya pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang ‘yon. “You will raise the child alone, Marga. Kahit isang piso ay wala kang makukuha sa akin.”

View More

Chapter 1

Chapter 1

Umiinom ng gamot si Marga nang mapansin niya ang pagtunog ng telepono. Sa sandaling binuksan niya ang kanyang telepono, nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang matalik na kaibigan na si Caroline.

“Bumalik na si Brandon Fowler. Ang iyong magaling na asawa.”

Saglit siyang napahinto. Sa loob ng isang buwan, halos hindi sila nag-usap ni Brandon. Hindi man lang niya alam na bumalik na dahil biglang nawala sa isipan niya ang lalaki lalo na’t alam niyang ayaw nito sa kaniya. 

Mabilis siyang nag-reply sa kanyang kaibigan. “Hindi ko alam na nakabalik na pala si Brandon.”

Hindi nagtagal ay nakatanggap ulit siya ng mensahe galing sa kaibigan niyang si Caroline, “Bumalik siya, pero may dala siyang batang babae.”

Napatitig si Marga nang makita ang larawan na pinadala ni Caroline. Kamukhang-kamukha niya ang batang babae sa larawan. Napasinghap siya nang maalala ang kaniyang kapatid. Si Cathy, ang kanyang kapatid na babae sa ama ay ipinadala sa ibang probinsiya upang doon manirahan.

“Ang pamilyang Santillan ay magkakaroon ng welcoming party sa kanilang dalawa. Marga, gusto mo bang pumunta at sirain ang party?”

Tumingin si Marga sa bote ng dextrose. Tatlong araw na siyang may mataas na lagnat, at namumula at namamaga na ang mga tusok ng karayom sa likod ng kanyang kamay. Nagtataka siya kung bakit siya biglang nagkasakit. Siguro dahil palagi siyang babad sa trabaho, nalilipasan ng gutom, at kulang din sa tulog.

“Hindi ako pupunta sa party,” sagot ni Marga. Ayaw niya ng gulo lalo na’t sina Brandon at Cathy ang pag-uusapan.

Matapos niyang sagutin ang tanong ng kaniyang matalik na kaibigan ay pumikit siya at hindi namalayang saglit siyang nakatulog. Halos alas diyes na ng gabi nang magising si Marga. Medyo bumaba ang lagnat niya. Napatingin si Marga sa pinto nang bumukas iyon. Nakita niyang pumasok sa loob si Brandon, maingat nitong sinara ang pinto bago humarap sa kaniya at nagsalita. Tinitigan siya ni Brandon nang malamig, “Marga, ang kasal na ito ay tiyak na hindi kusang-loob, wala nang dahilan para ituloy pa.”

Noon, ang kasunduan ng pamilyang Fowler at pamilyang Santillan ay hindi talaga kagustuhan ni Brandon. Si Cathy ang gusto niya, ang kapatid ni Marga. Hindi niya kailanman naisipang pakasalan si Marga Santillan. Ngunit kalaunan, ang aksidente noong gabing iyon ang nag-udyok sa kanya na piliin ang responsibilidad. 

Ibinaba ni Marga ang kanyang tingin at dahan-dahang sumang-ayon. “Sige, gusto ko lang ang bahay sa Baguio, at hindi ako magre-resign kahit maghiwalay tayo. Alam mo kung gaano ka importante ang bahay na ‘yon sa akin, Brandon. ‘Yon na lang ang natitirang alaala ni Mama sa akin. Sana naman ay mapagbigyan mo ako kahit ngayon lang.”

Ang bahay sa Baguio ay iniwan ng ina ni Marga sa kaniya, at kalaunan ay napunta ito sa pamilyang Fowler.

Hindi tumutol si Brandon, tinitigan lamang siya at sinabi, “Sige. May iba ka pa bang hiling?”

“Wala na,” umiling si Marga. “Kung alanganin ka, maaari akong lumipat bukas.”

Parang may gustong sabihin si Brandon, ngunit biglang tumunog ang telepono at sinagot niya ito. Hindi rin nagtagal ay binaba ni Brandon ang tawag, tumingin siya kay Marga, at sinabing, “May gagawin ako ngayon. Mas importante pa ‘to kesa sa ‘yo. Kakausapin ka ng abogado tungkol sa annulment natin.”

Napabuga na lang ng hangin si Marga nang makalabas na ng kwarto ang kanyang asawa. Kinuha niya ang telepono sa ibabaw ng bedside table at tumambay sa kaniyang social media. Nakita niya ang trending na balita tungkol sa kanya at kay Cathy na lalabas magkasama ngayong gabi. Para sa kaniya, hindi naging magandang kapalaran ng buhay nilang dalawa ng kaniyang kapatid. Nang malaman niya ang tungkol sa pagkatao ni Cathy, pinilit niyang ipadala ng kanyang ama si Cathy sa probinsiya. Makalipas ang mahigit dalawang taon matapos mamatay ang kanyang ina, muling nag-asawa ang kanyang ama. Siya si Cheryl Santillan, ang taong nagpabalik kay Cathy mula sa probinsya.

Natulog si Marga hanggang tanghali kinabukasan. Wala siyang balak lumabas dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya. Kahit papano ay gumaling ang kanyang sipon nang dumating ang abogado sa bahay nila. Inabot ng abogado sa kanya ang kasunduan sa annulment at muling ipinaliwanag ang paghahati ng ari-arian, ngunit masyadong madamot si Brandon sa kaniya dahil tanging bahay lang sa Baguio ang gustong ibigay ni Brandon sa kaniya.

“Miss Santillan, kung wala kang pagtutol, mangyaring pumirma ka rito.” Itinuro ng abogado kung saan siya dapat pipirma.

Tumango si Marga at pumirma nang walang pag-aatubili. Pagod na rin kasi siya sa pakikipag-away kay Brandon. 

Sa kabilang banda, mas pinili ni Brandon ang maging busy sa trabaho sa nakaraang dalawang araw kaya hindi siya nakita ni Marga. Binilin niya sa abogado na kung wala siyang ibang gagawin, siya na mismo lang ang kukuha sa katibayan ng annulment.

Matapos ang annulment, lumipat na si Marga matitirhan. Kaagad na bumisita ang kaibigan ni Marga na si Caroline nang mabalitaan ang tungkol sa annulment. Kaya nagyaya itong lumabas upang magkape.

“Kilala mo si Cathy, ‘di ba? She was sent away by your mother. Nag-aral siya ng mabuti sa probinsya at nakapasok sa unibersidad. Nagkita silang dalawa ni Brandon doon nang naatasan ang asawa mong magbigay ng speech.” Nangunot ang noo ni Caroline nang mapansing wala man lang reaksyon si Marga. “I heard that Cathy admired him very much. She is hardworking and motivated. Your father wants to bring the two together. Pero nagtataka ako kung bakit nangingialam at nanghihimasok siya sa relasyon ng ibang tao?” Tumaas ang isang kilay ni Caroline.

“Ano ka ba, Caroline. Hayaan na lang natin sila. Annul na kami ni Brandon. I don’t care kung after ng ilang buwan ay malalaman kong ikakasal na sila.” Pilit na ngumiti si Marga. “At isa pa, ang layo-layo namin ni Brandon. We’re opposite. Kaya siguro hindi talaga kami nagkakasundo. Brandon and Cathy are compatible because they have much in common.”

Napabuntong-hininga si Marga habang inaalala ang unang araw na nakita niya si Brandon. The first year that her mother died. ‘Yon din ang araw na pinangakuhan siya ni Brandon. Sa sumunod na araw, nang nakabalik na siya sa kompanya nalaman niyang siya na pala ang bagong Manager ng project department. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(44)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
44 ratings · 44 reviews
Write a review
user avatar
Casseyyy
Highly recommended!
2025-07-13 01:20:09
3
user avatar
Tala
update pa po
2025-07-04 01:05:25
2
user avatar
Wintermelon
Update pa po
2025-07-02 17:52:13
2
user avatar
Neng degracia
ok lang po kahit ilang chapter ang update.. basta po everyday... Thank you po ...️
2025-07-02 15:32:24
4
user avatar
Neng degracia
Update....
2025-06-25 10:04:48
3
user avatar
Dreame Mimi
update poo
2025-06-24 04:16:31
3
user avatar
Dreame Mimi
pa update na po
2025-06-24 04:16:20
2
user avatar
Deigratiamimi
update nitoo
2025-06-20 23:17:56
3
user avatar
Neng degracia
Update po...
2025-06-20 07:59:10
3
user avatar
Mariafe Fernández
update po nito
2025-06-14 14:28:23
2
user avatar
Neng degracia
Super recommended ......️ Good story.... Thanks author ...
2025-06-14 07:36:32
3
default avatar
Ashley
update poo
2025-06-13 23:31:12
2
user avatar
Stephanie Hechanova
super Ang Ganda talaga.........
2025-06-12 13:29:08
3
user avatar
Deigratiamimi
Update ka na
2025-06-05 18:40:42
3
user avatar
Jane j. Parba
soafer gnadaaa!!! ateko?!
2025-06-05 08:56:56
3
  • 1
  • 2
  • 3
164 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status