One Year Later Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa hardin ng isang eleganteng beach house sa Batangas. Hindi kalayuan sa may veranda, nandoon sina Brandon at Marga, naka-relax sa isang swing chair habang pinagmamasdan ang isang munting nilalang na may maamong mukha, kulot-kulot na buhok, at mata na parehong minana sa kanilang dalawa.“Tignan mo ‘yan,” ani Marga habang bahagyang tumatawa, “he’s trying to eat the sand again.”“Baby, not the sand,” mariing sabi ni Brandon habang dali-daling lumapit kay Cassiel Voltaire, ang kanilang isang taong gulang na anak na tila ba walang pakialam sa mundo—maliban sa buhangin at sa mini shovel na bitbit nito.Pinulot ni Brandon ang bata, sabay dampi ng halik sa pisngi nito.“You’re lucky you’re cute,” he said in a soft but amused voice. “Otherwise, Daddy would’ve made you mop the floor with your tongue.”“Oh my God, Brandon!” natatawang saway ni Marga. “He’s just a baby!”“Exactly. He needs early exposure to my sarcasm. Para prepared siya sa mun
Huling Na-update : 2025-07-06 Magbasa pa