Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang paghinga lamang nila ang maririnig—banayad, ngunit mabigat. Ang hangin ay tila tumigil, nakikiayon sa bigat ng emosyon na bumalot sa paligid.Maingat na binuhat ni Clinton si Marga, saka siya inihiga sa kama ng maayos. Kinuha niya ang ice pack, binalot ito ng gasa, at dahan-dahang ipinatong sa namumulang mata nito. Ilang minuto rin siyang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama, tahimik lang na nakamasid sa maputlang mukha ni Marga.Nakayakap si Marga sa isang malaking unan. Bumaba ang tingin ni Clinton sa maamong mukha nito, saka siya yumuko, inilagay ang buhok ng dalaga sa likod ng tainga, at hinalikan ang kanyang noo.“Good night,” he whispered softly. “Sleep well.”Pagkatapos ng maikling sandaling iyon, tahimik siyang tumayo at iniwan ang silid.***Sa dulo ng hagdan sa ikalawang palapag, naroon ang kwarto ni Hope—isang silid na siya mismo ang pumili, malayo sa lahat, tila sinadyang ipaghiwalay ang sarili sa gulo ng mundo.Maingat na kumatok s
Huling Na-update : 2025-01-29 Magbasa pa