CHAPTER 289“Sa totoo lang ay gusto ko sana na pagbayarin si Raymond. Pero naisip ko na mas mahalaga sa akin ngayon ang anak namin ni Francis kaya ipagpapasa Dyos ko na lamang siya,” sagot ni Sophia.“Sa tingin ko ay tama iyang desisyon mo na iyan, Phia. Mas makabubuti na lumayo ka na muna sa gulo lalo na at buntis ka nga. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo ng iyong anak kesa sa anumang bagay. Wag mong alalahanin itong kumpanya dahil hindi ko naman ito pababayaan para sa’yo,” sagot ni Louie.“Salamat kuya. Salamat din Harold dahil nariyan kayo palagi para sa akin,” sabi ni Sophia at sobrang swerte talaga niya dahil nariyan nga palagi ang dalawa dahil kung wala siguro ang mga ito ay baka hindi niya kayanin ang lahat ng ito.“Tsk. Alam mo naman parang kapatid ka na namin at isa ka sa mga mahalagang tao sa amin ni Harold kaya hinding hindi ka namin pababayaan,” sabi ni Louie at saka nga siya tumayo at agad na lumapit kay Sophia upang yakapin ito. “Uyyy… sama naman ako dyan,” sabi ni Harol
Last Updated : 2025-07-06 Read more