CHAPTER 284“Congratulations!” bati ni Dr. Gerome kila Sophia at Francis. “Hindi ko naman akalain na dito ka pa talaga sa clinic ko magpopropose kay Sophia. Ibang klase ka talaga,” baling nito kay Francis at napapailing na lang talaga siya rito.Bahagya naman na natawa sila Francis at Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome.“Pasensya ka na kung dito na ako nagpropose. Hindi ko na kasi talaga napigilan pa ang sarili ko lalo na at isang magandang balita ang nalaman namin ngayong araw. Kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nagpropose na ako rito,” nakangiti pa nga na sagot ni Francis sa kanyang kaibigan. “Well, congratulations sa inyong dalawa. Masayang masaya ako para sa inyo dahil sa wakas ay nagkaayos na kayo at magkakaroon na kayo ng sarili ninyong pamilya. Sino ba naman ang mag akala na ang dating mag asawa na nagdivorce ay magkakabalikan pa at bubuo na ng isang pamilya,” sagot naman ni Dr. GErome at saka niya kinamayan ang dalawa.“Salamat,” nakangiti rin naman na
Last Updated : 2025-07-01 Read more