—MILAN, ITALY—Naningkit ang mga mata ni Bryce habang nakatitig kay Paulina. Hindi niya gusto ang sinasabi nito tungkol kay Jessa at mas lalong hindi niya gusto ang suggestion nito na bawiin niya si Zylah kay Austin para ito ang makatuluyan ng isa. Natawa ng pagak si Bryce. Akala niya kanina ay ang uncle nito ang dahilan ng galit kay Jessa ay mali siya, si Austin pala ang dahilan. At kaya sinisiraan sa kaniya ang asawa niya ay para magbago ang isip niya at balikan si Zylah.“Okay, I get it! Si Austin Mulliez ang dahilan kaya mo ako kinausap sa Singapore at siya ang dahilan kay sinusulsulan mo ako bawiin si Zylah…” ani Bryce na natatawa. “Obviously,” tugon ni Paulina. “Kung hindi niya kasi nakilala ang asawang pinabayaan mo at pinagpalit kay Jessa ay baka ako ang pinakasalan ni Austin at hindi ang ex mo. Ano bang nakita mo kay Jessa? She’s a whore of the century, don’t you realize that at all?”“Stop insulting my wife!” Bryce hissed. Hinila niya ang braso ni Paulina na dahilan at napa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-17 อ่านเพิ่มเติม