Kinabukasan… Masayang nag-uusap sina Raffy at Nathan, nagkukuwentuhan sa naganap na birthday party ng una nang nawala ang mga ngiti ni Raffy sa pagalapit ni Jaxon sa kanila. “Ako rito sa swing,” sabi ni Jaxon habang naktingin kay Nathan. “Alis ka rito!” Nagkatinginan sina Nathan at Raffy. Parehong tumango at sabay na tumayo para lumipat na lang sila ng paglalaruan habang recess pa. “Seesaw na lang tayo, Raffy!” aya ni Nathan sa kaibigan. Hindi pa naman tumutunog ang school bell kaya may oras pa silang maglaro.“Sige,” nakangiting sang-ayon ni Raffy at sumunod sa kaibigan. Si Jaxon na hinihintay makita ang mommy niya, dahil sabi ng Yaya Rosalie niya ay pupuntahan daw siya ng mommy niya sa school, ay sinundan ng tingin si Raffy. At nang maisip na kailangan mabantayan niya si Raffy para sakaling dumating ang mommy niya ay makita niya agad ito ay sinundan ang isa. “Sumama ka sa akin,” sabi ni Jaxon kay Raffy. “Tayo ang maglaro doon sa swing,” wika niya pa. “Ayoko!” naguluhan sa gina
Last Updated : 2025-09-14 Read more