Sabay-sabay silang kumain ng umagahan, tahimik silang lahat habang busy naman si Czarina at Tyrone na nag-aasikaso sa kambal nila. Pinagmamasdan ni Natalie ang mga kasama niya sa hapag kainan habang si Owen naman hindi na maipinta ang mukha. Si Chairman ang nakaupo sa unahan habang nasa magkabilang gilid niya si Tyrone at Owen.Hindi nililingon ni Czarina si Natalie kahit na ramdam niya ang pagtitig nito sa kaniya minsan. Hangga’t maaari ay iiwas siya sa gulo dahil ayaw niyang gulo ang nakikita ng mga anak niya.“Isabella, honey, kainin lang ang kayang ubusin okay? Tandaan mo palagi ang binibilin ko sa inyo.” Malambing na wika ni Czarina sa anak niya ng mapansin niyang kuha ito nang kuha ng pagkain.“Opo, Mommy, bawal ang magsayang ng pagkain.” Masigla naman nitong sagot. Napangiti si Tyrone sa lambing ng boses ng a
Terakhir Diperbarui : 2025-04-12 Baca selengkapnya