Nang dumating naman si Chairman ay ipinatawag niya si Owen. Naghihintay si Chairman sa loob ng library niya at nakatayo ito sa harap ng malaking bintana kung saan kitang kita niya ang magandang hardin nila.
“Ipinatawag niyo ako,” blangko saad ni Owen. Ilang segundo naman ang lumipas bago sumagot si Chairman.
“Alam mo kung ano ang pinakaayaw kong gawin niyo bilang pamilya ko. Ang talikuran niyo ang responsibilidad niyo. Gagawa kayo ng mga bagay na hindi niyo naman magugustuhan ang kalalabasan.” Sagot ni Chairman. Nakuha naman kaagad ni Owen ang ibig sabihin ni Chairman. Ibig bang sabihin nito ay kinausap na rin ni Natalie si Chairman?
Napapapikit na lang si Owen saka niya hinilot ang noo niya. Hinarap naman na siya ni Chairman at seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Owen.
“Mar
“Dalawang buwan mahigit pa naman bago ang kabuwanan ko. Hindi ka kasi bumibisita sa mansion. Akala ko nga dun ka uuwi kapag nadischarge ka, naghanda pa naman kami para sana sa pagbabalik mo pero dumiretso ka pala sa condo mo.”“So, what do you want to tell me?” tiningnan ni Czarina ang kabuuan ni Owen. Payat pa rin naman ito pero hindi na kagaya noong nasa hospital siya na sobrang payat talaga. Napansin ni Owen ang titig ni Czarina sa kaniya na para bang pinag-aaralan nito ang katawan niya.“Gusto lang sana kitang kumustahin personally.”“Don’t worry about me, I’m already fine. Hindi pa man gaya ng dati ang katawan ko pero maibabalik ko rin yun. Okay ka lang ba? Siraulo ka talaga, buntis ka pala, may death threat ka na nga kung saan saan ka pa pumupunta ng wala man lang kasama. Mabuti naman at walang nangyari sa baby mo.” Tumango lang naman si Czarina. Paano niya pasasalamatan ang kabaitan ni Owen sa kaniya. Si Owen itong napuruhan pero siya pa rin ang iniisip ni Owen.“Okay naman siy
Matapos ang ilang buwan na pananatili ni Owen sa hospital ay nakalabas na rin siya. Nasilayan na rin niya ang liwanag, narinig ang maingay na paligid dahil sa mga sasakyan. Muling naramdaman ang pagtama ng init ng araw sa kaniyang katawan.“Hospital is so boring, I can't believe I made the hospital my home for fucking six months.” Ani ni Owen habang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang paligid kung may pinagbago ba. Nang maipit sila sa traffic ay napaikot na lang ang mga mata ni Owen.“Ganun pa rin sa dati, traffic pa rin ang Metro Manila.” Anas niya saka niya isinandal ang likod niya sa upuan.“Magpasalamat ka na lang dahil nabuhay ka pa. Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos? Ano bang akala mo sa katawan mo, isang shield?!” nasstress pa ring saad ni Amelia. Ayaw niya na talagang balikan ang mga nangyari sa loob ng anim na buwan. Ayaw niya ng mangyari ulit yun, nakakatakot, nakakatrauma. Naging musika niya ang bawat pagtunog ng mga machine sa tuwing binisibita niya ang ana
Naalala niya na naman ang naging buhay niya noong 1st at 2nd trimester. Pakiramdam niya sa bawat araw na lumilipas para bang napakatagal. Gutom na gutom na siya pero wala siyang gustong kainin. Kung may gusto man siyang kainin, isinusuka niya rin kaagad yun makalipas ang ilang minuto. Wala siyang ibang hinihiling noon kundi ang matapos na ang trimester na yun at makapanganak na siya.“Ang sarap sarap po pala mommyla ng avocado na may milk. Pwede ko po ba itong kainin araw-araw?” papuri ni Isabella. Siya talaga ang pinakamadaldal sa kanilang magkambal pero noong nababalot pa ito ng takot halos hindi siya makausap, si Riley ang palaging sumasagot para sa kambal niya.“Hindi rin maganda kapag araw-araw, mahal. Mas better kung paminsan minsan lang dahil baka magsawa ka kung palagi mong natitikman.” Sagot ni Melanie.“Ganun po ba? Sige po, dadamihan ko na lang ang kain ko ngayon.” Napangiti na lang si Melanie. Masaya siya sa tuwing nagugustuhan ng mga apo niya at ni Czarina ang mga ginagaw
Ilang buwan na lang ay manganganak na si Czarina kaya hindi na siya pinayagan ni Tyrone na pumasok sa kompanya. Pinagpahinga niya na lang ito sa mansion dahil ayaw niyang ma-stress si Czarina sa mga problema ng kompanya nila. Hindi naman malaki ang problemang kinakaharap ng kompanya nila pero dahil sa dami ng kailangang gawin ni Czarina hindi na siya pinayagan ni Tyrone na magtrabaho na muna kaya si Mateo ang pansamantalang namamahala sa kompanya.“Mommy, do you want apple? Ipagbabalat po kita.” Ani ni Riley. Napangiti naman si Czarina saka niya ginulo ang buhok ng anak niya. Sa ilang araw niyang pagstay sa mansion ay nakapagfocus siya sa mga anak niya. Hindi na rin siya nagreklamo nang sabihin ni Tyrone na magbed rest na muna siya hanggang sa makapanganak siya. Hangga’t wala pa ang bagong member ng pamilya nila, itutuon na muna niya ang atensyon at oras niya sa mga anak niya. Hindi man niya masasabi pero mahahati na ang oras niya, kailangan mas marami siyang oras sa baby nila kesa sa
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Tyrone. Nilapitan niya kaagad ang asawa niya para halikan ito.“Pasensya ka na, naghintay ka ba ng matagal? Sinabi sa akin ng secretary ko na nandito ka.” Bakas ang pagod sa boses ni Tyrone pero hindi niya yun pinapahalata kay Czarina. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Czarina.“Bakit parang paos ang boses mo? Anong ginawa mo?” tanong niya. Hinaplos naman ni Tyrone ang leeg niya.“Kaninang umaga pa kasi yung meeting namin. Ipinapaliwanag ko sa kanila lahat para maintindihan nila ang mga opinion ko. Bakit ka nga pala napabisita rito?”“Owen is finally awake,” excited na pagbabalita ni Czarina.“Really? Then that’s good news. Alam na ba nila Tita Amelia? Galing ka ba sa hospital?” ngumiti at tumango naman si Czarina. Nanunubig pa ang mga mata niya dahil sa sobrang tuwa.“Binisita ko siya, iminulat niya na ang mga mata niya at naigalaw na rin niya ang kamay niya. Nandun na rin sila Tita Amelia, iniwan ko na sila nang kausapin sila ni doc.” Na
Dinalaw ni Czarina si Owen. Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ni Owen pero hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya kay Owen na wala pa ring pinagbago ang kalagayan. Napabuntong hininga na lang si Czarina. Hindi niya maiwasan minsan na mawalan ng pag-asa. Paano kung mga machine at mga gamot na lang ang nagbibigay ng buhay kay Owen?“Gumising ka na please,” nakikiusap na saad ni Czarina. Hinawakan niya ang kamay ni Owen at bahagya iyong hinaplos. Ngayon niya na lang ulit binisita si Owen after three weeks dahil kung araw-araw niya itong bibisitahin para bang na-sstress siya kapag nalalaman niya ang kalagayan nito. Lahat ng mga sinasabing nurse na nakaduty kay Owen para bantayan siya at i-monitor ay iisa pa rin ang sinasabi. Wala pa rin talagang nagbabago sa kondisyon ni Owen.“Hi ma’am Czarina,” masiglang bati ng nurse na kararating nang magpaalam itong lalabas saglit. Tipid lang namang ngumiti si Czarina. “Well, we have a good news pero hindi ibig sabihin ay magiging mabuti