All Chapters of CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog): Chapter 71 - Chapter 80

100 Chapters

Chapter 52a

Jefferson Kinaumagahan, nagising ako at agad na tumingin sa tabi ko sa kama pero wala si Celina. Napalinga ako sa paligid at tinawag siya, pero walang sagot. Kinabahan ako at dali-daling lumabas ng kwarto, nag-aalalang baka iniwan niya ako. Hinanap ko si Susane. "Nakita mo ba si Celina?" tanong ko. "Nasa study room," sagot niya. Agad akong nagmamadaling pumunta roon. Nakalock ang pinto, at hindi siya sumasagot kahit anong katok ko. Kinuha ko ang spare key at binuksan ito. Napatingin ako sa usual niyang pwesto sa office table at chair ko pero wala siya. Nandoon lang ang drawing tablet niya. Napansin ko na bukas ang pinto ng verandah kaya lumabas ako, at doon ko siya nakita. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paglingon niya sa akin, sinamaan niya ako ng tingin bago muling bumalik sa pagpinta sa harap niya. Mukhang galit pa rin siya. "Maaga pa, kumain ka na ba?" tanong ko. Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, pero pakiramdam ko hindi ako naging convincing. Kinakabahan ako na
last updateLast Updated : 2025-03-28
Read more

Chapter 52b

JeffersonNanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito lang siya kasimple. Sobra ba akong nag-isip? Hindi, nakita ko ‘yon sa mga mata niya, masaya siya tuwing gumagawa siya ng mga disenyo. Ang layout ng country club ay sobrang ganda. Nang mahimasmasan ako, sinundan ko siya. Una akong bumalik sa kwarto namin, pero nang hindi ko siya makita, bumaba ako sa dining hall. Buti na lang at naroon na siya, kumakain ng almusal. Pagkaupo ko, inilapag ni Susane ang isang plato sa harapan ko. Tahimik akong naghintay, sinubukang hanapan ng tiyempo ang sarili ko para makipag-usap sa kanya. “Huwag mo nang subukan. Ayoko makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan,” diretsong sabi niya bago pa man ako makapagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyong hayaang lumipas muna ang inis niya. Sana pagbalik ko galing trabaho, sasalubungin na niya ako ng isang mainit at possessive na halik. Habang kumakain, narealize kong ito rin pala ‘yung mga pagkaing nakita kong tinatago nina Susane
last updateLast Updated : 2025-03-29
Read more

Chapter 53a

Third PersonSobra ang naging pasasalamat ni Jefferson nang patawarin siya ni Celina. Talagang kinabahan siya na baka tumagal ang kanilang away dahil ito ang unang beses na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.Nang maisip niyang nagseselos na ang asawa niya, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya gagawa ng kahit ano na makakapagparamdam kay Celina ng insecurity. Kahit hindi niya makita ang dahilan para magselos ito dahil para sa kanya, si Celina na ang perpektong babae.Kinabukasan, pagdating niya sa opisina, agad niyang hinanap ang cellphone niya. Naguguluhan siya kung saan niya naiwan iyon, dahil alam niyang hindi siya umaalis nang wala ito."Sir," bati ng sekretarya niyang si Bree pagkapasok niya sa opisina. Tumango lang siya rito habang patuloy na kinakalkal ang mga drawer, umaasang aksidente niya lang itong nailagay doon."Yung cellphone n’yo, Sir," sabi ni Bree, kaya agad siyang napatingin dito. "Naiwan n’yo sa mesa ko nung isang araw at kahapon ng umaga ko lang nak
last updateLast Updated : 2025-04-04
Read more

Chapter 53b

Pagkatapos ay dumiretso si Celina sa kanilang kwarto para mag-ayos at siguraduhing maganda siya. Wala siyang pakialam kung mainis man si Jefferson sa presensya niya mamaya basta makita lang niya ang sekretarya nito.Alas-onse na, at sigurado siyang aabot siya sa kompanya sa tamang oras, kaya hindi na niya inabala pang ipaalam kay Jefferson ang pagbisita niya. Para sa kanya, wala rin namang saysay iyon.Pagpasok niya sa kompanya, agad siyang binati ng lahat, at gumanti naman siya ng ngiti bago sumakay sa elevator. Sakto pa lang niyang pipindutin ang close button nang marinig niyang may humabol. Paglingon niya, si Daria pala."Ma'am Celina! I'm so glad to see you!" masiglang bati nito."Same here," sagot niya, saka napatingin sa hawak nitong takeout."Ah, para kay Sir Jefferson 'to," paliwanag ni Daria bago pa siya makapagtanong, sabay ipinakita ang lunch box. "Mukhang mamahaling lunch na naman ang kakainin ko ngayon!" dagdag nito, tuwang-tuwa, kaya napatawa na lang si Celina."Sure ka
last updateLast Updated : 2025-04-05
Read more

Chapter 54a

CelinaNakakatawa talaga kung gaano karaming babae ang gustong agawin ang asawa ko. Aminin natin, pogi na, mayaman pa. Lahat ng hanap mo sa lalaking papakasalan, nasa kanya na.Pero nakakainis lang kasi parang sobra ang pagkagusto nila, tipong handa silang agawin siya sa akin. Excuse me? Never mangyayari ‘yon. Simula nang sabihin niyang mahal niya ako at sinabi ko ring mahal ko siya ay mas naging possessive pa ako sa kanya.Obvious na may gusto sa kanya ang sekretarya niya. Kaya dapat lang iparamdam ko sa kanya kung sino ang tunay na nagma-may-ari kay jefferson.Nag-away nga kami dahil sa kanya. Oo na, nagseselos ako. Kung hindi lang niya sinabi na kaya niya pinilit na magka-share sa architectural firm nna 'yon ay dahil sa akin, siguro hindi ko siya basta-basta mapapatawad. Sino ba naman ang hindi mata-touch, ‘di ba? Lahat ginagawa niya para sa akin. Gusto niya na maabot ko ang best version ng sarili ko.At isa pa, ang bawat haplos niya, grabe. Nakaka-addict. Wala pang lalaking nakapa
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 54b

Celina“Hi, Celina.” Bati sa’kin ni Noris nang makita namin siya sa sala at mukhang hinihintay niya talaga kami. Nakatayo pa siya ro’n sa dulo ng hagdanan habang pababa kami.“Hey,” sagot ko naman habang sinulyapan ang asawa kong halatang wala sa mood. “Good morning,” dagdag ko pa. “Kumain ka na ba? Sumabay ka na rin sa ‘min,” aya ko habang nakatitig siya sa’kin na para bang gusto akong tunawin sa titig. Gusto kong matawa, pero nagpigil ako.“Sure,” sagot ni Noris sabay lakad papunta sa dining area. Nandito na rin lang siya, at hindi ko naman siya pwedeng paalisin, ‘di ba? Kakain lang kami, ‘yun lang ‘yon.“Anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Jefferson habang naupo kami. Inilagay niya ang itlog at bacon sa plato ko, gaya ng palagi niyang ginagawa. Dapat nga ako ang gumagawa no’n para sa kanya, pero gusto niya kasi na siya ang nag-aasikaso sa’kin sa ganitong paraan.“Wala lang,” sagot ni Noris, at napaangat ang kilay ko. Tumingin ako sa kanya, tapos kay Jefferson. Umubo ako nang ma
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 55

JeffersonEnjoy na enjoy si Celina sa trabaho niya sa Arts and Crafts, at natutuwa ako na gusto niya doon. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan, lalo na’t nag-away kami kamakailan lang.Pero mukhang dahil lang ‘yon sa nalaman niya na may kasama akong ibang babae sa araw mismo ng aming annniversary kung saan nag-effort pa siyang maghanda.Kung hindi lang dahil doon, tingin ko tatanggapin niya 'yung trabaho kasi related naman sa designing. Kinuwento niya sa’kin kung ano ang nangyari noong unang araw niya at inamin ko, nagselos ako. Dalawang araw akong nagdamdam kasi hindi niya sinabi sa lahat na asawa niya ako.Yung request niya na isama si Mr. Sunji sa project, medyo naguluhan ako noong una. Pero nung ipinaliwanag niya, doon ko lang talaga na-gets. Ayaw niyang may mag-isip na kaya siya napasama sa project ay dahil sa koneksyon niya sa’kin. Kaya pala niya muling inimbitahan si Mr. Sunji dahil gusto niyang patunayan na kaya niya ‘yon sa sariling sikap.Iniisip ko tuloy kung anong nangyar
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Chapter 56

JeffersonSobrang possessive ako kay Celina, at nang makita ko ‘yung litrato sa phone ko, parang nawalan ako ng bait. Hindi ko kilala kung sino ‘yung lalaking kasama niya, at kahit gaano pa ako magtiwala sa asawa ko, hindi ko mapigilang pagselosan siya. Gwapo ‘yung lalaki, mukhang may sinasabi rin sa buhay. Sino kaya siya? Siya ba ang anak ni Mr. Sunji? Eh bakit hawak niya ang kamay ni Celina?Hindi kaya coincidence lang na nakuhanan sila ng ganung eksena? Pero ang malinaw ay may sumusubaybay sa kanya. Ang tanong, sino?Galit pa rin ako na may ibang lalaking humawak sa kanya, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Nang matapos ko ang mga dapat ayusin sa opisina, agad akong lumabas para puntahan siya sa office niya.“Pasensya na po, Sir,” ani Bree nang mabangga niya ako. Sira na nga ang mood ko, dagdag pa siya. Napasabak pa ‘yung mukha niya sa dibdib ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para itulak palayo. Pero nang mapatingin ako sa elevator, nakita ko si Celina na nakatingin s
last updateLast Updated : 2025-04-16
Read more

Chapter 57a

CelinaPaano ko ba magagawang pakawalan si Jefferson kung siya lang naman ang lalaking gusto kong makasama habang-buhay?Siya lang ang lalaking pinapangarap kong subukan ang lahat at ang kahit na ano para lang masigurong ang kaligayahan niya. Kahit ‘yung mga bagay na hindi ko talaga gustong gawin, gagawin ko. Hindi ko maitago ang kaba ko noon na baka pagtripan niya akong patuwarin at tirahin sa pwet dahil pakiramdam ko, magiging parang pokpok ako kung mangyari man 'yon. Pero sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, handa akong pagdaanan kahit ‘yon... para lang sa kanya.Handa akong ibigay ang sarili ko, buong-buo. Kahit pa alam kong kabaliwan 'yon.Pero nagpapasalamat ako dahil kahit gano'n ka-wild ang mga pumasok sa isip ko at hinanda ko na ang sarili ko ay pinili pa rin niya na irespeto ako pati na kung ano ang gusto ko. Hindi siya ‘yung tipong bara-bara lang at ipipilit ang gusto without thinking about me.Hindi siya katulad ng ibang lalaki na kapag may pagkakataon, babuyin ka na lang n
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 57b

"Wala ka na talagang duda sa kakayahan ko? Bakit mo naman nasabi 'yon?" tanong ko pa sa kanya habang nakakunot ang noo, curious kung anong pinaghuhugutan niya. "Wag mo sanang masamain," sagot niya agad, "pero may pangalan din naman si Leslie sa industriya. Hindi ko sinasabing may karapatan siyang kuwestyunin ka, pero naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang hugot niya." "Diretsuhin mo na lang ako, hindi ko trip ang paikot-ikot," sabi ko, medyo tinataas pa ang kilay. "Saan ka ba nagsusuot nitong mga nakaraang taon? Bakit ngayon lang kita narinig, eh, ang galing mo pala?" "OA mo naman," natawa kong sagot. "Freelancer ako, hindi lang puro architectural designs ang ginagawa ko. Nagdi-design din ako ng alahas at gowns, at baka mabigla ka kung malaman mong may ilang mga gawa ko na request ng clients ko ang nanalo na ng awards o kaya naman binenta sa sobrang taas ng presyo," dagdag ko pa, medyo proud na rin sa sarili. "Eh bakit hindi mo na lang tinuloy ang career mo sa architecture?"
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status