KHALESSI MONDRAGONAfter eating, Alej and I went straight to Tagaytay, para salubungin ang anak at ang pamilya ko. They’re staying here until everything is settled. May private nurse naman si Khalian, at kompleto na rin ng mga gamit na kinakailangan niya sa sakit niya, though, kinakailangan pa rin naming pumunta sa ospital para sa dialysis niya.“I think everything is settled,” Alej said after he checked everything.Nasa likod naman namin ang tatlong kasambahay na mag-aalaga sa pamilya ko na tapat na naninilbilhan sa pamilya nila Alej.Sila ang kinula niya dahil alam niyang mapagkatiwalaan sina Nanay Rosa, Nanay Meding at Ate Lolit. May driver na ring kasama na si Kuya Noel at guard na si Kuya Basil. Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng pamilya ko, habang mukhang balisang-balisa naman si Alej sa tabi ko. Hindi naman iyon ang unang kita niya sa pamilya ko, pero iyon ang magiging unang kita nila bilang boyfriend ko.Hinawakan ko ng kamay si Alej saka ako ngumiti
Last Updated : 2025-05-17 Read more