KHALESSI MONDRAGON“Ma, si Khalian… Si Fabian… Ang baby ko… Iniwan nila ako…” Paulit-ulit kong saad. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa halo-halong emosyong nanararamdaman ko. Ramdam ko ang takot, inis, galit, lungkot na halos pumunit sa puso ko.Noong una, natatakot lang ako na mawala si Khalian, pero ngayon… Tatlo na sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko.“Si Fabian ang pumalit sa’kin kagabi para bantayan si Khalian,” mahinahong saad ni Mama nang makiitang kumalma na ako, pero naroon pa rin ang mahihinang paghikbi ko.Sandaling natahimik si Mama kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti ito, pero hindi abot sa kanyang mga mata. Malungkot na ngiti, at tingin. Na para bang may tinatago ito, pero hindi kayang itago ng kanyang mga mata.Sa titig pa lang ni Mama ay abot-langit na naman ang kabang naramdaman ko.“Khalian…” she muttered, low and undecided whether to tell me or not.Mas lalo akong kinabahan. “A-ano pong nangyari kay Khalian, Ma?” “May nangyari kaninang madali
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya