"Si Kevin ang nagpadpot sa inyo. Sumama na lang po kayo ng matiwasay Inaaresto po namin kayo sa maraming kaso at bilang pangunahing suspek sa kasong extortion, falsification at documents, at marami pang iba. At ikaw naman , Attorney Centeno, ay arestado rin bilang accessory to the crime. Tama ang hinala mo, naitimbre na sa amin ni Kevin ang mga usapan ninyo, at wala kayong ligtas, naroon kami sa sementeryo, at hawak din namin ang kopya ng USB na ipinadala ninyo kay Kevin. Pero dahil sa kusa mong pagamin, na kay Kevin na ang kapalaran mo." Nagulantang si Donya Antonia sa sinabi ng pulis, napatingin siya sa namumutlang mukha ng kasamang abogado. "USB? Anong kalokohan 'yan? Anong pinagsasabi nila, ha? Ano 'to, Attorney?!" Ngunit walang marinig na sagot si Donya Antonia mula sa abogado. "Nakahanda ako sa lahat."sabi ng abogado. "Hayop ka Centeno, trinaydor mo ba ako.Anong UBS yun. Armando, sagutin mo ako, anong USB yun?" sigaw ni Donya Antonia na nagpilit makawala sa pagkakahawak ng
Last Updated : 2026-01-20 Read more