"Blood in, blood out.""You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva."Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya.Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok.“Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?”Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.”Ang American Mafia.Isang gubat ng katiwalian, pagtataksil,
Dernière mise à jour : 2025-05-29 Read More