Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
view more"P*ta ka! Pakyu times two. Di ako p*ta. Bartender ako. Alam kong maganda ako. Wag niyo ng ipagmukha sa akin." Naiinis kong sambit sa dalawang ugok na nakatitig sa akin habang pinaghalo ko ang mga alak.
Di naman ito bago sa akin pero putcha talaga. Di ko sila bet at di ko rin sila bati. Pakialam ko sa kanila? Punyemas talaga. Kapag ako sasabog, pati titi nila ubos. Sumulyap ako sa kanila at nakitang nakatitig pa rin sa akin. May histura pero wala akong paki. Nakakunot ang noo kong napatingin sa suot ko. Di naman nakakasaludo ng talong ang suot ko ah. Ano ba nakain ng mga ito? I'm wearing black shirt at black pants. Litaw ang kaputian ng balat ko, napakakinis at napakalinis din tignan ang tattoo sa kaliwang banda ng collarbone ko, a minimalist of my name, Narnia. Patuloy akong naghalo ng mga alak habang pilit na hinahawi ang inis na bumabalot sa akin. Kung tutuusin, hindi na bago ang mga ganitong klaseng titig sa bar na ito. Pero iba ang araw na 'to, iba ang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. "Ano ba naman yan. L*tche talaga," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood kong bumubula ang shaker sa bawat alog ko. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga manyakis na tila ba wala nang ibang gawin kundi magnasa. Bigla kong narinig ang tawanan ng mga kasama nila, mas malakas ngayon, at ramdam kong mas papalapit sila. Nag-init lalo ang ulo ko. Hindi ako magpapadala sa mga gago. Hindi ako magpapatalo sa ganito. Pero sa totoo lang, nasa dulo na ng pasensya ko. Mabilis akong bumuga ng hangin, tinakpan ang naiinis kong mukha ng isang pilit na ngiti. Tumalikod ako at inabot ang basong gagamitin ko, nagpopokus na lang sa trabaho. Ilang segundo pa at natapos ko rin ang inumin. Nang humarap ako, nakatayo na sa harap ko ang isa sa kanila, ang mukha niya palapit na sa mukha ko. "Miss, baka naman pwedeng..." hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil bago pa siya makalapit pa lalo, nagawa kong maibuhos sa mukha niya ang hawak kong shaker. "Ayos ba?" Mataray kong tanong habang nakapamewang. Ang mga kasama niya ay napahinto sa tawanan at gulat na gulat sa ginawa ko. "Put*ngina, ano ba problema mo?!?" sigaw ng basang-basa at amoy alak na lalaki. Lumayo ako nang kaunti, handa kung sakaling may balak silang gumanti. Pero bago pa sila makagalaw, pumasok sa eksena si Mang Tano, isa sa mga bouncer ng bar. "Oy! Ano to? May gulo ba dito?" boses niya na may halong banta. Napatingin sa kanya ang mga lalaki, at parang mga basang sisiw na umurong at tahimik na tumabi. "Huwag kayong mag-iskandalo rito kung ayaw niyong magkabukingan," seryosong sabi ni Mang Tano. Alam ng lahat na hindi siya dapat binabastos. Tumahimik ang buong bar, tila ba natuto na silang lahat na wag nang magkamali sa harap ni Mang Tano. Sumulyap ako kay Mang Tano at tumango nang pasasalamat. "Salamat," bulong ko habang nagpapakawala ng matamis na ngiti. Tumalikod ako muli sa kanila at nagpatuloy sa trabaho. Maingay sa bar, normal na yun. Pero itong bar hindi yung tipong kagaya ng mga elite. Simple lang at mura para sa mga tao. Yung tipong para lang sa middle class at lower class. Di naman talaga ako dito nagtatrabaho eh. Sa ibang bar pero kilala ko ang manager dito at kailangan nila ng temporary bartender dahil absent ang bartender nila. Di ako makatanggi dahil malaki offer eh, sayang pera. Pera na yun. Mukha pa naman akong pera. Matapos ang oras ko, mabilis akong nagpaalam sa manager matapos niya akong bayaran. Nakangisi akong lumabas ng bar habang binibilang ang papel na kulay asul. Tiba-tiba ang linggo ko ngayon ah! Naks. Mabilis ko itong inilagay sa wallet at umangkas sa motor. Agad kong sinuot ang helmet sabay andar ng motor. Habang nasa byahe ay tahimik ang lugar. Walang gulo. Mahigpit ang kapulisan dahil sa riot noong nakaraang gabi. May gang wars na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo at maraming sugatan. Wala naman kaming pakialam sa kanila dahil mga weaklings lang naman yun. Naghahanap lang ng gulo para magpakitang gilas. Nek nek nila. Kung magpakitang gilas sila dapat sa underground para makita talaga ng ibang gang kung hanggang saan ang kaya nila. Sayang energy. Napalunok ulit ako ng laway. Kanina pa 'to. Medyo nabaguhan ang bibig ko dahil walang kahit ano sa bibig ko. Di kase pwedeng magsigarilyo dahil bawal. Wala. Choice ko lang ma di muna mag sisigarilyo baka di ako abutin ng ilang years at patay na ako. Nangangati na lalamunan ko. Di pwede 'to. Pambirang hobbitat na yan. Naisipan kong huminto sa isang convenience store. Buti't may bukas pa kahit madaling araw na. Tinignan ko muna ang store at wala namang nakatambay sa labas. Naghanap ako ng mapaparkingan ng motor pero wala. Mukhang okay naman magpark sa harap nito dahil walang sign na bawal magpark. Nagkibit-balikat akong hinubad ang helmet kasabay nito ang bagsak ng medyo mahaba kong buhok. Bumaba ako sa motor habang nagsusuklay ng buhok gamit daliri at sa isa kong kamay naman ay ang helmet. Matapos kung suklayan ang buhok ay pumasok ako sa loob ng store. Naghanap agad ako ng coins sa back pocket habang hinahanap ang pwesto ng mga lollipop. Meron naman akong nakita kaya agad akong kumuha ng isang pack. Dinala ko agad ito sa cashier na nanonood ng TikTok. Di ako napansin kaya kinatok ko ang lamesa niya ng tatlong beses. Napaigtad ito at tinignan ako ng nakanganga. Tinaasan ko siya ng kilay. "Magkano?" Tanong ko. Kumurap-kurap siya. "Ah, wait lang." Kinuha niya ang pack at nagscan. Pinagmasdan ko lang siya habang panaka-naka niya akong sinulyapan. Di ko na lang pinansin. "99 pesos." Sagot nito. Napakamot ako sa ulo. S***a! Piso na lang sukli sa one hundred. "Di pwedeng isa na lang kunin ko dyan?" Umiling siya. "Hindi pwede. Dapat one package talaga. Ano? Bibili ka ba?" Kinunutan ko siya ng noo. "May choice ba ako?" Kumuha ako ng one hundred sa wallet ko at binigay sa kanya habang may binubulong ang cashier. "Bibigay pala tapos dami pa sinabi. Hmmp! Kababaeng tao nasa labas pa rin. Porket ang astig niyang tignan kung makaasta parang gangster." Bulong nito. Tinignan ko lang siya. "Ito po piso. Salamat po." Sabi nito at inabot sa akin ang piso at ang nakabalot na package. Tumango ako at inabot ito. Iniwan ko siyang walang lingon-lingon at agad umangkas sa motor. Binuksan ko ang plastic sabay kuha ng isang lollipop sabay sabit nito sa holder. Matapos kong pakpakan ang lollipop agad ko itong sinubo at dinukot ang phone sa bulsa. Titignan ko lang kung anong oras na. 2 am na pala sa madaling araw. Napailing ako. Pinili kong tumambay muna sa harap ng convenience store dahil tinamaad akong bumyahe. Pahinga muna tayo. Umupo ako sa motorbike habang nagbubuklat ng kung ano-ano sa phone. Nakapasak pa rin sa bibig ko ang lollipop, tamang chill lang. Pero habang nakakunot ang noo ko sa pagbabasa ng mga memes sa feed, bigla akong nakarinig ng commotion sa di kalayuan. Napalingon ako at nakita ang isang lalaki, naka-all black, tumatakbo na parang hinahabol ng demonyo. Pero teka, hindi pala dem*nyo—isang grupo ng malalaking lalaki ang naghahabol sa kanya. Malalaki ang katawan, parang mga bouncer na galit na galit. Bago pa ako makapagsalita o mag-react, bigla na lang siyang tumalon sa likod ng motor ko. Agad niyang kinuha ang helmet ko at sinuot ito sa ulo ko. "Andar na! Bilis!" madiin niyang sabi, halata ang pagmamadali. Nanlaki ang mata ko, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. "Ano?! Siraulo ka ba? Sino ka ba para utusan ako?! Baba h*******k kang sino ka man!" pero hindi ko rin napigilan na mapaangat ang tingin sa malalaking lalaki na papalapit na. Mukha silang mga gangster—maton, galit, at handang gumulpi. Nagulat ako, at sa sobrang taranta, pinaandar ko agad ang motor. "Bilisan mo, pre! Mga g*go ‘yan, di ata alam ang salitang talo." sigaw ng lalaking nakasakay sa likod. Nataranta ako lalo nang makita kong isa sa mga humahabol ay halos aabot na sa motor namin. Napakapit ako nang mahigpit sa manibela habang pinipilit takasan ang mga naghahabol. Pero bago pa makalapit nang husto ang isang lalaki, bigla siyang sinipa ng lalaking nakasakay sa likod ko. Napunta ang paa niya diretso sa mukha ng humahabol, at bumagsak ito sa kalsada na parang troso. "Hahaha, sh*t pakshet ka!" sigaw ng lalaki sa likod ko, halatang enjoy na enjoy. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya lalo na ngayon na dikit na dikit ang katawan niya sa likuran ko at may naramdaman akong bagay sa ibaba. Puny*ta! Manyak ata 'to. "Pist*ng y*wa ka! Wag mong idikit yang katawan mo sa likuran ko! Yung talong mo dumikit! Kadiri!" Naiinis kong sigaw sa kanya habang napabuga pa ako ng lollipop na nasa bibig ko. Di ko alam kung saan tumalsik yun. Sayang! Napatigil siya sa pagtawa. Ilang segundo lang yun pero napalitan ng mas malakas na halakhak. Ang kapal ng mukha! Ang walanghiya, nakuha pang yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Mas lalo pa siyang dumikit sa akin, kaya sa sobrang inis ko, naapakan ko ang preno ng wala sa oras. "Put*ngina! Ano ba! Gusto mo tayong maaksidente?!" sigaw niya habang muntik kaming matumba. Lumingon ako nang bahagya para sungitan siya. "Aksidente ka diyan! Dumikit ka pa ulit at saks*kan kita ng clutch lever sa mukha mo! Di kita kilala, g*go ka ba?!" "Huy, relax ka lang, miss sexy. Ako nga 'tong inaalalayan ka baka matumba ka eh. Nakakaawa ka naman kung mahulog ka, di ba?" sagot niya, sabay ngisi na parang nang-aasar. "Alalay? Eh parang ikaw pa magpapahamak sa akin! At wag mo akong tawaging sexy!" Hirit ko habang pinilit kong hindi masiraan ng bait. Ang mga humahabol sa amin kanina ay mukhang nawalan na ng tsansa na abutan kami, pero itong lalaking ito? Siya ang tunay na problema ngayon. Sino ba 'to? At ang kapal ng mukha. Nakalimutan atang siya ang biglang umangkas sa motor ko! Nilingon ko siya at ang piste naka ngisi nga. Nainis ako lalo. "Bumaba ka, g*go! At wag mo akong yakapin, p*ste!" Utos ko sa kanya. Mas hinigpitan ang yakap niya sa bewang ko at ang baliw dikit la talaga sa pwetan ko ang talong niya. Kinakilabutan ako sa ginawa niya. "Chill ka lang, miss sexy? Ako lang 'to, ang pinakapoging anak ni tatay D—" sabi niya, may halong yabang sa boses niya ngunit agad kong pinutol. "Wala akong pakialam sayo! Bababa ka o ihuhulog kita sa tulay?!" banta ko. "Okay, okay, fine! Chill, miss sexy. Pero seryoso, salamat sa pagligtas sa akin. Kung wala ka, baka nilapa na ako ng mga buhaya kanina," seryoso niyang sabi. Napasimangot ako. Hindi ko alam kung totoo o nagpapaka-drama lang siya, pero napabuntong-hininga ako. "Tsk. Pakialam ko kung malapa ka. Bumaba ka na, g*go! At pwede ba, kumalas ka? Higpit ng yakap mo, ah! Parang bakla." "Anong bakla? Ako? Oh, ito. Feel mo yan? Bakla ba ako sa lagay na yan? In fairness, ngayon lang nangyari 'to, miss sexy. Bilib na ako sayo! Astig pa, napatigas pa natutulog kong talong. Finally!" Tumawa siya ng parang baliw at mas yumakap pa sa akin. Halos sumabog ang ulo ko sa sinabi ng gago. Walang alinlangang siniko ko siya sa tagiliran, dahilan para mapaungol siya sa sakit. "Araaaay! Grabe ka naman, miss sexy! Ang sakit nun, ha!" reklamo niya habang nakahawak sa tagiliran. "Eh ano ngayon? Akala mo ba matutuwa ako sa kalokohan mo? Bumaba ka na bago ko ipitin yang natutulog mong talong sa kickstand ng motor ko!" galit kong banta, kahit halata naman sa boses ko na nawawalan na ako ng pasensya. "Okay, okay, relax. Joke lang naman, miss sexy. Pero grabe ka, astig mo talaga. Crush na kita," aniya habang umiiling, pero halata pa rin ang pilyong ngiti sa mukha niya. "Bumaba ka na!" ulit ko habang tumigil sa gilid ng daan. Tinuro ko ang tabi ng kalsada, nagbabadyang itulak siya kung hindi siya susunod. Pero bago pa siya makababa, may narinig kaming tunog ng mga makina mula sa likuran. Dumilim ang ekspresyon niya, at naramdaman ko ang biglang pagtaas ng tensyon. Napalingon ako at nakita ang isang grupo ng mga motor na mabilis na papalapit sa amin. "Miss sexy, mukhang hindi pa ako pwedeng bumaba," sabi niya, seryoso na ang mukha, na para bang nawala ang kaninang pagbibiro niya. "Kung gusto mong mabuhay, tapak na! Tiwala lang." "Put*ngina, tiwala agad? Di nga kita kilala, g*go!" reklamo ko pero wala na akong oras para mag-isip. Naramdaman ko ang matinding kaba sa dibdib ko, kaya wala na akong nagawa kundi ang i-twist ang throttle at tumakbo nang mabilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa takot o sa inis sa lalaking ito. "Hawak ka, miss sexy! Ituturo ko ang daan!" sigaw niya habang nakatingin sa likod namin, ang mga mata nakatutok sa paparating na grupo. Ano bang napasukan ko?! Walanghiya talaga. B*gbugin ko ang gago na 'to mamaya. Makikita niya talaga kung paano magalit ang isang Narnia.Sumapit ang gabi, ang iba lalo na ang mga magulang ni Eros ay bumalik na agad sa hotel. Ang natirang mga bisita ay iilang kaibigan ni Eros—namin. "Mr. and Mrs. Smith." Mabilis akong napatingin kay Azyl. "Iba ang trip ni Athena, hindi taguan ng anak kundi taguan ng pamilya." dugtong nito at uminom ng alak. "Parehas na kayong may anak pero me? Still single. I mean, it's unfair you know. I'm older than you pero you already found your the right one." Pagsisimula ng drama nito. Inayos ko ang bote ng wine nasa harap namin. Pagkatapos, hinanap si Eros, nasa grupo niya ulit ito habang karga si Aslan na gising na gising pa rin. Gustong kumarga sa anak namin ang mga kaibigan niya pero sorry na lang sa kanila. Mas protective si Eros at madamot kay Aslan. "Akala ko alam mo. Trio kayo ni Zebe diba?" Kunot noo kong tanong kay Azyl habang nilalagyan ng wine ang baso niya. "Yes! We are trio but have a secrets. I never expected na ito yung secret ni Athena." Bumuntong-hininga siya, sabay
Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng simbahan. Napaangat ang tingin ko—at agad kong nakita ang pamilyar na anyo ng isang matandang lalaki sa puting barong. Sunod-sunod na pumasok ang ilang babae at lalaki, pormal ang mga suot, pero kapansin-pansin ang tensyon sa kanilang mga kilos. Hindi sila basta bisita—pamilya ni Eros. Nagpatuloy ang mesa habang nagsitungo ang pamilya ni Eros sa bakanteng upuan. Napansin ko na tila may hinahanap ang paningin nila. Dumako ito sa pwesto namin at nang magtagpo ang paningin namin ni Tita Cassy ay agad akong napaiwas ng tingin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa altar at pari. Kinabahan ako. Nahihiya. Alam kong naintindahan nila ang sitwasyon ko noon pero di yun okay sa akin. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanila. Nadala ako sa galit—sa lahat. May karapatan ako diba? Pero bakit mabigat pa rin kapag nagkita kami? Siguro, nahihiya ako sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim. Di ko na dapat inaalala yun. Sabi nga ni Eros, magsisimula ulit ka
Today is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Pagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments