Amara's Point of View* Matapos ang ilang minuto ay dumating na sa mismong mansion ang inorder nilang damit at agad ko 'yung sinukat at dahan-dahan na napatango ang mga anak ko lalo na ang Asawa ko. Nag-apir pa sila at napatingin ako sa lamesa dahil wala na ang damit na binili ni Bianca sa akin. "Asan na 'yung damit d'yan?" Napatingin naman sila sa lamesa. "We already threw that garbage already." Napatingin naman ako kay Sol na nagsalita. "Wag n'yong itapon. Ginastusan pa rin naman 'yun. Ibabalik na lang natin sa mall o ibabalik natin sa bumili nun." Nagkatinginan naman sila at napabuntong hininga na lang sila at dahan-dahan na napatango. "Fine." Nag-sign naman si Sol sa isang maid at kinuha naman ng katulong at binigay sa akin. "Thank you." "Isauli mo sa kanila pabalik, mom." "I already know that, baby." Hinalikan ko ang noo n'ya at napangiti naman s'ya. "Mommy, you're so beautiful." Napatingin naman ako kay Luna na may stars sa mga mata n'ya at ganun na rin ang Asawa k
Terakhir Diperbarui : 2025-05-15 Baca selengkapnya