PAGKABABA ng tawag, bumalik si Felicity sa sala mula sa kusina. Kalmado ang kilos niya, parang walang nangyari, pero alam niyang napalakas ang boses nila ni Shia kanina. Lumingon siya kay Thorin na nakaupo sa sofa, tuwid ang likod, at may anino ng lungkot sa mukha.Trying to lighten the mood, Felicity teased, “Uy, ikaw ba ‘yung nagwalis ng sahig? Ang linis ah!”Sinundan pa niya ito ng biro, “Pati mesa, sobrang kinis. Mr. Thorin, you’re amazing!”Pero nanatiling tahimik si Thorin. Hindi ito ngumiti, ni hindi tumingin. Hindi rin man lang gumalaw. Ang mga sinabi ni Felicity kanina sa kausap nito ay parang nagsimula nang umikot sa isip niya.“Miss Felicity, may itatanong sana ako,” sabing bigla ni Thorin, malamig ang tono.Napatingin si Felicity, nagulat na tinawag siya nitong “Miss.” “Sige, ano 'yun?” mahinahon niyang sagot.Ngunit ilang segundo lang ang lumipas, hindi rin itinuloy ni Thorin ang tanong. Tumayo ito nang biglaan, walang sabi-sabing tumalikod pabalik sa kwarto niya.Hindi m
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya