GAMIT ang tinidor, maingat na kinuha ni Felicity ang isa pang corn dog at inilagay iyon sa harap ng lalaki.“Thorin, thank you talaga. Kung hindi dahil sa tulong mo kahapon, malamang mas malaki pa ang naging aberya sa amin!”“Well...”Tumingin si Thorin sa mga buns sa plato. Mukha siyang nabigla ulit, gaya ng una.Medyo gumaan ang pakiramdam ni Felicity. Kahit papaano, naibsan ang pag-aalala niya sa nangyari kay Charlotte. Alam niyang sapat na ‘yung nangyari para matauhan ito at hindi na lumala pa ang sitwasyon. Alam din niya kung kailan dapat huminto bago muling gumawa ng issue.Samantala, muli namang nagpaalala si Thorin. “This time, swerte ang pinsan mo. Pero next time, mag-iingat ka kapag naglalakad-lakad kayo sa labas, lalo na kung may bata. Hindi palaging may taong tutulong.”“O-okay,” sagot ni Felicity, sabay tango.Naalala bigla ni Felicity ang description ni Charlotte kahapon tungkol kay “Mr. Alaric Sy”—malaki ang katawan, matangkad, may itim na tattoo sa leeg, at mukhang hin
Terakhir Diperbarui : 2025-07-22 Baca selengkapnya