Chapter 52Pero hindi ko iyon tinanggap.“Buti pa mag-order na tayo,” sabi ni Kim, sabay kuha ng menu.“Let’s have fun!” sigaw ni Jane.“Yeah!” sabay taas ni Safara ng kamay, sabay ngiti.Napako ang tingin ko sa kanya. Sa ngiti niya. Sa mga mata niyang tila wala na akong puwang. Doon ko napagtanto… masakit pa rin. Kahit tatlong taon na ang lumipas, mahal ko pa rin siya.At sa gabing iyon, may nabuo akong plano. Mali, makasarili, pero sa pagkakataong iyon—natalo ako ng damdamin.Kinausap ko ang mga kaibigan ko. Noong una ay ayaw nilang makisali, pero kalaunan ay pumayag din. Habang nag-iinuman kami, palihim kong nilagyan ng sleeping tablet ang inumin ng boyfriend ni Safara. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung sino ang naging mas masama—ako o ang konsensya kong nanahimik buong gabi.Hindi rin namin inaasahan na mabilis malasing si Safara. Dalawang tagay pa lang, pulang-pula na ang pisngi niya at pasuray-suray na ang lakad.“Shit, Kim, lasing na
Terakhir Diperbarui : 2025-06-22 Baca selengkapnya