Nakatulog siya sa tabi ng nobya habang hawak ang kamay nito nang dumating ang kanyang mga magulang, si Yassy at Hunter, saka si Senator Benigno."Iho, ano ang nangyari sa anak ko? Diyos ko, huhuhu..." iyak ni Senator nang makita ang anak nitong nakaratay sa kama at puno ng tubo ang katawan.“Malubha po siya, Senator. May blood clot sa kanyang ulo at nasa critical siya.” mahina nyang paliwanag.“O Diyos ko, huhuhu… Anak, ‘wag mo akong iwan... huhuhu… Hindi ko kakayaning mag-isa sa buhay. Ikaw na lang ang natira sa akin... Pati ba naman ikaw ay iiwan ako?” iyak ni senator habang hawak ang kamay ni Belle.“Ano ba ang nangyari, Caleb? Bakit nabangga ng sasakyan si Belle? Nasaan ka at bakit mo pinabayaan ang nobya mo?” galit na tanong ng daddy niya. Siya ang pinagbalingan nito ng galitNapayuko siya... hindi niya masabi ang dahilan.“Wag mong sisihin ang anak mo, Salvador. Aksidente ang lahat. Alam nating hindi papabayaan ni Caleb ang nobya niya...” sabat ng mommy niya. Lalo siyang nakonse
Last Updated : 2025-06-12 Read more