Gabi na at naramdaman niyang nakatulog na si Caleb sa tabi niya. Siya naman ay nanatiling gising pa. Hindi siya makatulog dahil sa dami ng iniisip niya.Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at pumunta sa veranda. Hawak niya ang kanyang cellphone. Tinititigan niya lang ito, nagdadalawang-isip kung itutuloy ang pinaplano niya.Nang sa huli ay napagdesisyunan niyang ituloy ang plano niya. Dinayal niya ang telepono ng ina."Hello, anak?""M-Mom?" naluluhang sabi niya."Magaling ka na ba? Nabalitaan ko na may amnesia ka.""Magaling na 'ko, Mom. At naalala ko na ang lahat, huhuhuh..." mahinang iyak niya. Ayaw niya din naman marinig siya ni Caleb na mahimbing na natutulog."What is it that you remember?""Niloko ako ni Caleb, Mom... may iba siyang babae.""Baka nagkakamali ka lang, anak? Hindi ako makapaniwala na sasaktan ka ni Caleb ng gano'n... alam kong mahal ka niya.""Pero nakita ko, Mom! Nakita kong may kahalikan siyang ibang babae kaya ako tumakbo noon at nabangga ng kotse. Dahil sa hind
Last Updated : 2025-06-17 Read more