“Anyway, let’s go to my office, Belle, so I can discuss your new project,” ani ni Amanda.“Babe… dito muna kayo ni Callie ha, okay lang ba?”“Sure, babe… no problem. Ako na ang bahala kay Callie.”Umupo sila ni Callie sa waiting area. May mga model na nakatingin sa kanila, yung iba ay nagpapa-cute, ang iba naman ay nagtataka kung bakit andoon siya na may kasamang bata.Nung una ay natutuwa pa si Callie na tumambay doon, pero habang tumatagal ay naiinip na ito. Binuhat niya ang anak at naglakad-lakad sila roon ng pabalik-balik pero hindi na kontento ang anak niya, antok na kasi ito kaya nagta-tantrum. Tiningnan niya ang relo… magda-dalawang oras na silang naghihintay doon ni Callie. Hindi pa rin lumalabas si Belle. Ang akala niya ay contract signing lang, pero bakit ang tagal?Muling nabaling ang atensyon niya kay Callie na tuluyan nang umiyak. Nagsitinginan na ang mga tao roon sa kanila.“Shhh… baby… mommy gonna be here soon…” pag-aalo niya sa anak, pero hindi pa rin ito tumitigil sa
Last Updated : 2025-07-17 Read more