Kasalukuyan na silang nasa airport. Hinatid sila ni Jason, na anak ng katiwala nila sa bahay, at ng nobya nitong si Emma. “Ikaw na ang bahala sa bahay namin, Jason, okay?” “Yes, Kuya... Darating na din si Mommy galing Pilipinas. 'Wag po kayong mag-alala.” “Salamat naman kung ganun.” “Mag-ingat po kayo, Kuya.” “Salamat, Jason.” Pumasok na sila sa loob dahil tinawag na ang kanilang flight. Inakbayan niya si Belle habang buhat nito si Callie. “Nalulungkot ka ba, babe?” tanong nya “Nalulungkot dahil hindi na natin makikita ang mga kaibigan natin dito, at masaya din dahil makakasama na ulit natin ang mga pamilya at kaibigan natin sa Pilipinas. Halos limang buwan din tayong namalagi dito sa UK.” “Wag kang mag-alala. Ang promise naman nilang pupunta sila sa kasal natin.” “Hihihi... Hindi natin akalain na makakahanap tayo ng pamilya at kaibigan dito. Nung una ay nalulungkot tayo dahil tayong tatlo lang ni Callie ang palaging magkasama. Masaya talaga kapag may kaibigan.” “Tama ka d’
Huling Na-update : 2025-07-25 Magbasa pa