“Hahaha… ang galing naman! Pero kailan ba kayo uuwi? Wala na si Chantal dito at dinala na ng pamilya niya sa Singapore.”“Ahm, wala pa sa plano namin, Mom… pero eventually uuwi din kami.”Muntik pa niyang masabi na malapit na silang umuwi. Buti at napigilan niya. Kailangan ay surprise ang pag-uwi nila. Tsismosa pa naman ang nanay niya at ipagsasabi agad sa iba ang plano nila. Mas magandang wala muna silang mapagsabihan ni Belle.“I really hope na makauwi na kayo dito, anak. Miss na namin ang apo namin.”Napangiti siya habang kausap ang kanyang ina. Ramdam niya ang pananabik nito, lalo na kay Callie. Naiintindihan niya kung gaano ka-miss ng pamilya nila sa Pilipinas ang presensya nila, pero mas gusto pa rin niyang sorpresahin ang lahat kahit na excited na siyang sabihin na malapit na silang umuwi.“Miss ka na rin namin, Mom,” tugon niya. “Basta hintayin mo lang kami, ha? Promise, hindi ka mabibigo.”Matapos ang tawag ay nilapitan niya si Callie at pinunasan ang pawis at dumi sa noo nit
Terakhir Diperbarui : 2025-07-21 Baca selengkapnya