Pagdating sa apartment ay umupo silang dalawa sa sofa.“Ready ka na ba?”“Natatakot ako, Liam.”“Wag kang matakot, kasama mo ako.”Tumango siya, at iyon na din ang hudyat ni Liam at kinuha ang telepono. Una nilang tinawagan ang nanay at tatay niya.“H-hello, Nay,” mahinang sabi niya. Nakahawak si Liam sa kanya bilang suporta.“Anak, bakit number ni Liam ang gamit mo, andyan ba siya?”“Oo, Nay… andito siya para magbakasyon.”“Mabuti naman at binisita ka niya dyan, anak.”“Nay, may sasabihin sana kami sa inyo ni Tatay.”“Ano ‘yun, anak?”“B-buntis po ako…”“Huh? Talaga ba, anak?”“Galit po kayo, Nay?”“Bakit naman kami magagalit? Sa katunayan ay natutuwa pa kami dahil sa wakas ay magkakaapo na kami. Kailan kayo magpapakasal ni Liam?”“Hindi ko pa alam. Gusto ko pang tapusin ang trabaho ko dito sa Italy.”“Hindi pwede, anak. Umuwi ka dito dahil gusto ka naming alagaan habang buntis ka.”“Galing kami sa doctor at sinabi ni doc na maselan daw ang pinagbubuntis ko.” naluluhang sabi nya. “K
Huling Na-update : 2025-09-27 Magbasa pa