Habang nasa biyahe sila ni Elijah ay panay ang kwento niya dito. Hindi siya nawawalan ng kwento. Ayaw niyang makaramdam ito ng lungkot."Alam mo, bro, may bestfriend si Almira doon sa Italy na Pinay. Si Fern. Gusto mo i-reto kita sa kanya?""Wag na. Ako na bahala sa sarili ko. Ang asikasuhin mo ang sarili mo." wika nito habang nagda drivePagdating nila ng bahay ay natuwa agad ang Mama niya nang makita sila."Hello, Tita! Kamusta ka na? Mukhang gumanda ka ah! Medyo nadagdagan na ang buhok mo!" biro nito sa ina niya. Nakakalbo na kasi ito dahil sa chemo."Hahaha… ikaw talaga, pamangkin! Palabiro. Ilan ba nadagdag sa buhok ko?""Mga sampu po. Hahaha!"Maging siya ay natawa na rin sa biruan ni Elijah at ng Mama niya. Masaya siya dahil masaya din ang Mama niya."Tita, makikikain ako dito, pwede ba?""Oo naman, pamangkin! Dapat tumawag kayo para nagpaluto pa ako ng ibang putahe.""Okay lang po, Tita. Ikaw naman ang pinunta ko dito at hindi pagkain.""Salamat, iho. Pakiramdam ko nga ay medy
Last Updated : 2025-09-17 Read more