Napatigil siya, napatingin kay Mayor. Hindi niya alam kung anong isasagot. Naramdaman niya lang na biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Napayuko na naman siya. Alam niyang mabait si Mayor noon pa, noong una nilang pagkakilala. ‘Di niya akalain na gusto siya nitong maging friend. Pumapalakpak ang tenga niya kahit pa nahihiya siya. “Hindi ko alam kung destiny ba ‘to o coincidence,” tuloy ni Elijah, “pero one thing’s for sure... I’m really happy na nagkita ulit tayo, Paulette.” Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang umalis doon at magtago. O di kaya tumalon-talon. “Mayor...” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Don’t call me Mayor,” putol ni Elijah. “Call me Elijah.” “Wag na po. Nakakahiya.” “Sige, ikaw ang bahala. Basta magkaibigan na tayo ha.” Ngumiti siya, pilit na itinatago ang sobrang kilig sa dibdib niya. “Opo, friends na tayo, Mayor Elijah,” sabi niya, sabay kindat ng bahagya. Napangiti rin si Elijah, pero may kung anong lalim sa mga mata nito habang nakatingin sa ka
Last Updated : 2025-10-10 Read more