"Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin na makalayo kay Gov., Sir. Natatakot ako kay Gov., mukhang lalapain ako ng buo.""Mukhang ganun na nga hahaha…""N-narinig ko kanina mayor ka?""Yes, ako nga pala si Elijah… and you are?""Red na lang po. Yun na ang tawag mo sa akin kanina eh." nahihiyang sabi nito"Hahaha… ako pa ngayon ang nagpangalan sa’yo?" Hindi na siya nag-insist na malaman pa ang pangalan nito dahil ngayong gabi lang naman sila magkasama.Habang magkatabi sila ay pasimple niya itong pinagmamasdan. Kung maganda ito sa malayuan, ay mas maganda ito sa malapitan. At ang kaputian nito ay hindi lang basta puti, makinis ang balat nito... parang anak-mayaman."Matagal mo na ba itong ginagawa?" tanong nya"H-hindi ho!" mabilis nitong sabi."Paano ba yan. Wala ka palang experience sa mga ganito?" Sabi niya. As if siya ay may experience, eh wala din naman. "Paano pala kapag yayain kitang lumabas, papayag ka ba?""H-ho… hindi po ako naggaganun, Mayor...""Hahaha. Anong 'naggaganun'
Last Updated : 2025-10-01 Read more