Bumalik siya sa veranda at tinawagan muli si Paulette para ma-divert ang kanyang atensyon sa kamunduhan. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.“Di bale, bukas na lang ulit… baka tulog na siya.”Akmang babalik na siya sa loob nang mag-ring ang cellphone niya. Napangisi siyang nang makita si Paulette ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Hi, babe… miss me?” Ang lapad ng ngiti niya, pakiramdam niya ay abot hanggang tenga.“Heh… ikaw nga ang naka-miss sa akin! Nag-call back lang ako sa’yo,” pasupladang wika nito.“Hahaha… bakit, hindi mo ba ako na-miss?”“N-na-miss.”“‘Yun naman pala, eh… I miss you, babe. Ilang araw na tayong ‘di nakapag-usap… pasensya ka na ha, busy lang…”“I understand… kamusta nga pala ang work mo d’yan?”“Okay naman. Bukas may meeting ulit kami with the local government. Sobrang busy… sa gabi lang ako nakakapagpahinga talaga ng ganito.”“Ganun ba? Sa graduation ko pala pupunta ka?”“Oo naman, ‘di ba napag-usapan natin ‘yan? Kahit gaano ako ka-busy dito, I will
Last Updated : 2025-10-31 Read more