Kinabukasan, habang nagbe-breakfast sila ng kanyang mga kapatid, ay nahalata niyang may bumabagabag pa rin sa kanyang mama.“Ma, are you okay?”“Ok lang ako, anak.”“Iniiisip mo pa rin ba ang text na natanggap mo kagabi?”“Hindi ko lang lubos maisip kung paano ako nahanap ni Daddy. It’s been years... Kung kailan nahanap ako ni Lolo ay saka naman din nahanap din ni Daddy... bakit ganun?”“Ang mabuti pa, sabihin natin kay Atty. Chan.” suwestyon nya“‘Wag mo nang intindihin ‘yun, anak. Ako na ang bahala. Kumain ka lang diyan.”Hindi na siya muling nagtanong pa at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Gusto niyang bigyan ng oras ang kanyang mama para makapag-isip-isip.Maya-maya ay may kumatok sa kanilang pinto. Siya ang tumayo para lumapit sa pinto, pero bago pagbuksan ay tiningnan muna niya sa peephole kung sino ang naroon. Napangiti siya nang makita si Atty. Chan. Agad niya itong binuksan.“Good morning, Paulette,” nakangiting bati ni Atty. Chan.“Good morning din, Atty.,” nahihiyang sabi
Last Updated : 2025-11-01 Read more