“M-Mayor Elijah... pwede ba kitang makausap?” sabi nito.“Gusto din kitang kausapin, Engr.,” sabi niya saka umupo sa tabi nito.“Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa ginawa ng asawa ko.”“Tama lang ‘yung ginawa niya, Engr., dahil may kasalanan kayo ni Nova.”“Nahihiya ako sa inyo ni Ma’am Nova, Mayor. Aaminin kong may gusto ako sa kanya pero dapat ay hindi ko na in-entertain ang damdamin ko. Pamilyado na akong tao.”“Ang importante ngayon ay natuto na kayo. Huwag mo na lang ulitin pa.”“Ahm... Totoo bang nobya mo si Ma’am Nova, Mayor?”Tinitingnan niya ito nang mataimtim.“Yeah. Nobya ko siya.”“Pero kagabi tinanong kita, ang sabi mo ay wala kayong relasyon.”“Wala ka na doon, Engr. Kami lang ang nagkakaintindihan ni Nova kaya kung balak mo pa siyang lapitan, huwag mo nang gagawin. Ako ang makakalaban mo,” sambit niya.Tama lang yung pagbantaan nya si Engr. Belmonte. Ngayon pang nalaman nya na may pagtingin ito kay Nova, baka maisipan na naman nitong lapitan si Nova at makakarating n
Last Updated : 2025-11-13 Read more