CONFIRMED!Nasambit ng isipan ni Jack habang nakatitig kay Brenda. Posibleng totoo ang sinabi ng dalagang hindi nga si Aedam ang kausap niya. Gusto pa sana niyang magtanong, ngunit tiyak na makakahalata na ang kausap niya."Hello, dude, are you still there?" naitanong niya sa kabilang linya."Ha? Ahm, yes. Sorry, ano nga ang tanong mo. Nag-inat kasi itong bunso ko, kaya hindi ko masyadong naintindihan," tugon ng nasa kabilang linya, sinundan ng mahinang pagtawa.Alam niyang nagsinungaling ito. Muli siyang napatitig kay Brenda. Bakas sa mukha na kinakabahan ito."Nothing, dude. Kalimutan mo na 'yon. Anyway, congratulations sa inyo ni Meadow. Pupunta ako kapag may time ako," pahayag na lang niya."Sure. See you.""See you, dude."Pinatay na niya ang tawag, at saka'y marahas na napahinga."What did he say?"Hindi niya sinagot ang tanong ni Brenda, ibang kataga ang lumabas sa bibig niya. "Hindi nga siya si Aedam."Kahit nanggaling sa babaeng kaharap niya ang impormasyon, kita pa rin niya
Magbasa pa